Maikli ang kanyang buhok na kasing itim ng hating-gabi. Ang kutis niya ay kayumanggi ngunit lalong kumikinis tulad ng isang porselana kapag nasinagan ng araw. Bibilugin ang hugis ng kanyang mukha na may matatambok na pisngi na parang kuyukot ng isang bagong panganak na bata. Ang ganda niya at ang kanyang boses ay maihahalintulad sa isang diwatang dahan dahang lumilipad at nakikipaglaro sa kakahuyan kasama ang mga kauwi niyang nimpha. Ngunit, tulad ng mga sinasabi ng mga bata sa kalye sa'min na nagkakalog ng watusi kapag noche buena o kaya nagpapaputok ng five- star at sumabog sa kanilang kamay, di araw-araw pasko. Meron din naman siyang "flaw" yun ay ang kanyang pagiging "voluptuous" o pagiging hindi balingkinitan.
Nagkakilala kami sa isang pribadong unibersidad sa Maynila. Second year un, tanda ko. Panahong umiwas ako sa ilang taong tinuring kong "tropa" at siya naman ay naghahanap ang panibagong kaibigan. Unang araw ng bagong semester at ang lintik na introduction ang naglapit sameng dalawa. Naging close at nagsimula ang bagong ugnayan. Isang pagkakaibigang akala ko matatapos kapag natapos na ang semester o pagkatapos ng nalalabing taon sa kolehiyo. Pero mali ako. Natapos na bakbakan. Nakalimot at lumipas na ang iba, pero kami'y nanatiling matatag, mas lalong tumibay.
"Ano friend, sasama ka ba? Mas mataas to kaysa sa Pico. Wala na ring monolith, hindi ka na aakyat gamit ang lubid at hindi na rin kita aasarin pramis. Kahit nagtagal tayo dun dahil sayo at kahit mukha kang baboy na nabara sa kalagitnaan ng makitid na daan." Dagdag ko sa kanya, pampalakas ng loob at para ganahan siyang sumama.
"Pota. Oo nga e. Pinag-tripan nyo nga ako nun e." Sabi nya.
"Ilan ba yung difficulty nyan? Tsaka gaano kataas?" Tanong niya saken, habang may malakas na background noise na nanggagaling sa t.v. sa kanyang linya ng telepono.
"Bali 4/9 ung difficulty at 739+ MASL daw sabi sa Pinoy Mountaineer." Sagot ko sa kanya.
"Ah. Mas mahirap. Maganda yan. Ilan tayo?" Dagdag niya.
"Bali. Ako. Ikaw. Si Renz. Si Tandang Tsunade at may dalawang siyang isasama. mga anim." Sagot ko sa kanya, hawak ng isang kamay ang telepono at ang isang kamay naman ay malaya, ang palad ay bahagyang nakasara, nakapormang parang manununtok lang, magka-iba lamang ay ang hinliit ay nakataas.
"Sige. Sige samama ako." Sagot niya.
"Ano sasama ka? Send ko na ung itinerary sa email mo." Tanong ko sa kanya ulit, hindi narinig ang kanyang pag-oo.
"Tsaka, maganda to para mas makalimutan mong panandalian si Toby." Dagdag ko.
"OO NGA PUTA KA!! ANO PAULIT ULIT!" Sagot niya. Nang-uurat.
"Sige! Maganda yan! Sorry naman! Mayumi! Ang mga magagandang nilalang na tulad ko, nabibingi din" Sagot ko sa kanya na may pang-aasar.
"Ulol! Mukha mo! Sige na!" Sagot niya.
At dun natapos ang pag-uusap namen.
Dumating ang araw ng akyat. Nagkita kita na kami sa pinag-usapang tagpuan. Maagang kaming nakaalis at habang nasa biyahe kami, marami kaming napag-usapan. Mula sa binubuong plano na magtayo ng negosyo, sa mga susunod na mga bundok na gusto naming akyatin at sa love-life niyang tanging meron siya (dahil ako wala). Kataka taka lang, sa pagkataong iyon, hindi siya ganun maingay at sumasagot katulad ng sa karaniwan. Dumating na kami ng Rizal at isang sakay na lang, para makarating ng drop-off.
Habang nakasakay kami sa tricyle, nag-usap ulit kami. Sa mga panahon na 'yon, sinabi niya ang kanyang plano. Sinabi niya na mag-aaral siya sa ibang bansa at ang plano niya ay aalis na siya ilang buwan pagkatapos ng akyat. Bilang kaibigan, nakakatuwa na may magagandang plano na nakalaan sa kanya at handa niyang tuparin iyon. Pero mas nangibabaw sakin ng lungkot, sa totoo lang.
Nakalungkot kasi, sa mga tinuturing kong kaibigan, iilan na lang silang nagpasyang mamalagi sa Pinas. Ang plano namen na negosyo ay naging drawing, at sa higit sa lahat, wala na kong kasama sa halos lahat ng bagay (sa pagpunta ng gig sa UDD, sa pag-akyat ng bundok, sa panunuod ng sine, sa pagkain sa Northpark na laging naming kinayayamutan at sa pagswipe to the right sa tinder sa bahay nila.)
Nakarating na kami ng tuluyan. Tahimik kaming umalis ng sasakyan. Dapat sulitin ang mga natitirang araw. Paakyat na kami at huminto sandali para kumuha ng litrato. At bago kami makarating sa umpisa ng trek ay kinausap kami ng isa pa namen kasama.
"Guys, huling akyat ko na to'. Aalis na ko papuntang Dubai." Sabi ni Tandang Tsunade. Panibagong mawawala na naman. Kailagan talagan sulitin. At un nga ang ginawa namin. Umpisa pa lang ng akyat, Pinuno namen ang akyat na to ng tawa at hugutan. Di naman namen narating ang Tinapak River dahil sa malakas na ulan, sulit pa din. At kahit ilang sugat, balentong at ang mga una tuhod na pagdapa't paggulong pababa, masaya pa din narasan namin. Isang hindi malilimutang akyat na kahit san mang mapadpad ay hindi kailanman malilimutan.
#talikodgenic shot. #hanggangsamulitsunade
#teamlaps. Ang pagkain ng goto kila ate ay hindi dapat palagpasin at nararapat siya'y pasalamatan.
#balsamoments. Bago ka makarating at makapagsimula ng pag-akyat, kailangan mo munang sumakay nito.
#adventuremodeon!! Simula na ang akyat!
#pahingamoments.
#lapsmoments2. May model dun sa background.
At the top. Ang ilog na tinatawag nilang #kambalpuso.
#kambalpuso
#ulan. Malakas na ulan na mauurat ka dahil nasa tuktok ka at giniginaw ka at gutom na gutom na.
#lapsmoments3. Sa wakas tumila na ang ulan at kumakain na kami.
#collage. Photo credits to @maricel advincula aka Tandang Tsunade.
Itinerary:
Mt. Daraitan + Tinipak River Dayhike
03:00AM- Time at Cubao
04:00AM- ETD to Tanay, Rizal.
06:30AM- ETA at Brgy. Daraitan, Rizal
07:00AM- ETA Barangay Hall; Register and secure guide, etc.
08:00AM Start trek up Mt. Daraitan
11:30AM- ETA summit. Explore the viewpoints / Lunch
01:00PM- Start descent to Tinipak River
03:30PM- Arrival at Tinipak River. Explore the area
05:30PM- Proceed to Brgy. Daritan via riverside trail
06:00PM- ETA at Brgy Hall. Tidy-up, shower etc.
07:00PM- Head back to Cubao.
No comments:
Post a Comment